This chismis is brought to you by Twitter

9 Dec

I was browsing through my Twitter timeline when I came across Bianca King’s tweets.

Curious, I visited the link Bianca posted on her Tweet.  The first story I came across in DarlaSauler.com is this:

Apparently, Jun Lalin had already interviewed Bianca about the “incident” and here’s what he wrote:

Bianca, masama pa rin ang loob
Jun Lalin

KINAUSAP ko si Bianca King kahapon kaugnay sa ‘pagpapalayas’ sa kanya sa tent ni Krista Ranillo noong Linggo sa shooting ng pelikulang Wapakman na pinagbibida han ni Manny Pacquiao.

Masama pa rin ang loob si Bianca dahil sa walang paalam na pagla labas ng mga gamit niya.

Nagulat siya nang madatnan niya ang mamaha ling make-up kit, upuan at iba pang mga gamit niya sa labas ng tent ni Krista.

“Kung ipakukuha ko kasi ang mga gamit ko, mismong ang yaya ko ang kukuha ng mga ‘yon at hindi basta itatambak sa labas ng tent,” paha yag ng young actress.
Galit ba siya kay Krista dahil sa ginawa ng Tita Suzette Ranillo nito na paglalabas ng gamit niya?

“Wala akong galit kay Krista, pero honestly, kahit nag-sorry siya sa akin for what happened at sinabi niyang nag-deny ang Tita Suzette niya.

“Sabi ng lady security, ‘yung Tita Suzette niya ang naglabas no’n at sinabi mismo sa akin ni Krista na wala talaga siyang alam, nag-iisip pa rin ako.

“Yes, tinanggap ko ‘yung sorry niya nang mag-usap kami sa harap ng manager namin (Arnold Vegafria), pero alam mo ‘yung tinanggap ko man ‘yung sorry niya, nag-iisip pa rin ako kung hindi nga ba talaga niya alam ‘yung tungkol sa ginawang ‘yon ng Tita Suzette niya sa mga gamit ko.

“Kilala mo naman ako, Jun, ako ‘yung ti pong ayokong may kaaway. Saka iisa ang ma nager namin ni Krista, huwag sana nila akong ituring na kaaway sa ginawang ‘yon ng Tita Suzette niya na paglalabas ng mga gamit ko sa tent niya.

“Kaya naman ako naki-share sa tent na ‘yon dahil alam ng manager namin. Inisip ko na magkaibigan kami, kaya okay lang na mag-share kami sa iisang tent. Pero nangyari na nga ‘yon,” paha yag ni Bianca.

Nabanggit ko kay Bianca na marami ang humanga sa kanya na hanggang iyak lang siya sa ginawang ‘yon sa mga gamit niya.

Ni hindi siya nagwala sa set at ipinagpatuloy niya ang kanyang mga eksena.
“May iba nga akong friends na nagsasabing dapat nag-react ako, pero ‘yon nga, ipinagpatuloy ko pa rin ‘yung mga eksena ko.

“Ang sa akin lang naman, ang gumana sa akin that time eh ‘yung professionalism.

“Kung magpapaa pek to akong sobra ng ginawang ‘yon sa mga gamit ko, makakasira lang sa shooting namin.

Makakaapekto ‘yon sa magandang flow ng shooting namin. Eh,
ayo ko namang magkagulo sa set.

“Pinalipas ko lang ‘yon hanggang magharap kami ni Krista nang dumating si Arnold,” paliwanag pa ni Bianca.

Paano kung mag-sorry sa kanya si Suzette?

“It’s okay kung gusto niyang mag-sorry, pero sabi nga ni Krista, nagde-deny ang Tita Suzette niya, kaya hindi na ako nag-e-expect na mangyayari ‘yon.

“Saka bakit pa? Hindi na rin kami magkikita. Tapos na ang trabaho namin sa Wapakman, kaya balewala na rin.

“Nangyari na ‘yon, wala na akong magagawa pa. Basta ‘yung lady security ang nagsabing ang Tita Suzette ni Krista ang naglabas ng mga gamit ko sa tent,” paha yag ni Bianca.

Sa pananalita ni Bianca ay halata na may sama siya ng loob, pero dahil sabi nga niya ay ayaw niya ng kaaway, pinipi lit niyang magpaka-okay pa rin.

Bukas ang mga pahina ng Abante TONITE sakaling gustong ibigay ni Suzette ang kanyang panig kaugnay ng pangyayaring ito.

SOURCE

Nafi-feel ko tuloy na maggu-guest sa The Buzz or Showbiz Central (or SNN ngayon weekday) si Tita Suzette Ranillo III.

With that, I agree with Bianca King when she wrote:

Now CLICK HERE TO JOIN TEAM JINKEE!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: