On why Totoy Bato “sucked”

7 Jul

Finally, Totoy Bato headwriter Suzette Doctolero has spoken against Robin Padilla’s rumored pakikialam on said GMA 7 primetime soap which ended last Friday.

Pep.ph reports about a thread in the forum site Pinoy Exchange where a forum participant nicknamed Lipstick City dared Ms. Suzi to spill the beans on Robin Padilla . Apparently, to many of the loyal Totoy Bato viewers, the show sucked big time.

Totoy Bato

Yellowsuzi, a.k.a. Suzette, replied:

“Lipstick City hehehe mukhang me alam ka?  
You’re putting me on the spot.
But we, the creative team, need to air our side di ba?
Kasi kami ang tinitira ng iba.

Matagal na akong di tumitingin dito, ngayon lang uli.  Alam ko reaction ng tao.  Ayoko sanang magsalita pero ayoko ring akalain ng lahat na pakana ng creative ito.  Truth be told, TB is a a very frustrating show for me.  Sa scripts namin, only weeks 1, 2, 3, 4 and week 6 ang nagawa nang buong-buo na di pinakialaman.  

The rest were all Robin’s.  Siya din ang nagsusulat, nagdidirek, nag-e-edit, nasusunod sa lahat.  We have scripts pero 10 percent lang ang sinusunod niya.  90 percent were his.  So most of the time, pag nanonood ako, di ko alam ang nangyayari sa kwento, pati scenes, di ko kilala (maski production, walang magawa dahil alam nilang magwawala si RP pag di siya sinunod).  Kaya di ko alam ang ending tonight.   Hindi namin alam lahat!  Si RP lang ang nakaka-alam and his own crew (yes, may sarili siyang crew: may sarili siyang director na di ko alam kung saan niya napulot, cameraman etc. — no, hindi sila part o empleyado ng gma)  Kaya pag grainy ang napapanood nyo, at pabago-bago ang volume, at madilim: in short, parang high school production, sila gumawa nun.  Oo, TB ang first indie soap hahahaha.  (Indie ganda!) 

Management cannot do anything also dahil palaging nagbabanta itong magwa-walk out sa show pag di siya sinunod.  I can understand them, nakontrol ni Robin ang kwento in such a way, na pag mawala siya, di na tatayo ang show.   In fairness, mautak siya.

This, i am promising to myself: I will not work with him anymore.  I hope my station will not get his services anymore.  Isa siyang megalomaniac actor.  Gusto niya siya lang ang bida.  Gusto niya siya lang ang magaling.   Hence, ang isang soap, na sa tingin ko, ay maganda nung simula, pagdating sa gitna hanggang dulo, ang pangit-pangit-pangit na!      

Farewell party tonight, but the whole creative team is not attending (di ko pinilit na wag umattend ang team ko ha, ayaw din nila). Ayoko lang makipagplastikan.   I’m sure makakarating ito sa kanya. I don’t care.  He already knows my discontentment (yun ay kung sinabi na sa kanya ng manager niya ang mga masasakit na sinabi ko).   He ruined a once promising good show.  Sayang.”

Hmm…Remember the editing bay incident during the finale of one of Robin’s previous shows with GMA?  I hope actors, no matter how big they are, would learn to respect the creative/production team, especially the writers since, as I’ve said before, story is king.

Advertisements

2 Responses to “On why Totoy Bato “sucked””

  1. Rachel July 19, 2009 at 9:47 pm #

    grabe, I’ve heard what he did to that editor. what an a-hole. uy, rona, why don’t you put ads here? winner ang topics mo e.

    • rona July 19, 2009 at 10:08 pm #

      Hindi ako marunong, wahahaha! I tried, but failed. Mas gets ko ang Blogspot.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: